Kamatayan at libing ni Papa Francisco
![]() Si Francisco noong 2024 | |
Petsa | 21 Abril 2025 | (kamatayan)
---|---|
Lugar | Domus Sanctae Marthae, Lungsod ng Vaticano (kamatayan) |
Pumanaw si Papa Francisco sa edad na 88 noong 07:35 ng umaga (oras sa Gitnang Europa, UTC+02:00) noong ika-21 ng Abril 2025 sa kaniyang tirahan sa Lungsod ng Vaticano.[1] Inihayag ni Kardinal Kevin Farrell ang kaniyang kamatayan sa isang bidyo na isinahimpapawid nang 9:47 ng umaga, lagpas dalawang oras matapos ang kaniyang kamatayan.[2][3] Nagsilbi si Francisco bilang ang ika-266 na Santo Papa ng Simbahang Katolika sa loob ng 12 taon, mula nang mahalal siya noong 13 Marso 2013.
Hindi pa inilalabas ng mga kinauukulan ang sanhi ng kamatayan ni Francisco, ngunit matatandaang naospital siya nang limang linggo dahil sa mga karamdaman sa kanyang baga kabilang na ang dalawang kaso ng pulmonya.[4][5]
Pangkalahatang impormasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahalal noong Marso 2013 sa edad na 76, naiulat noon na malusog si Francisco sa kabila ng pagkakaroon ng kondisyon sa baga, dahil sa isang bahagi ng kanyang baga na tinanggal sa pamamagitan ng opeasyon noong siya ay binata pa. Inihayag ng kaniyang mga doktor na ang tinanggal na lung tissue noon ay hindi makakaapekto sa kaniyang kalusugan. Ang tanging alalahanin ay ang pagbaba ng reserba sa paghinga kung mayroon siyang respiratoryong impeksyon. Noong dekada 2020s, madali siyang kapitan ng sakit tuland ng trangkaso at brongkitis tuwing taglamig. Ang mga kondisyon sa kaniyang tuhod at sayatika ang nag-udyok sa kaniya na gumamit ng upuang de gulong, panlakad, o tungkod.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pope Francis dies aged 88". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-04-21.
- ↑ "Dichiarazione del Direttore della Sala Stampa della Santa Sede, Matteo Bruni" [Statement by the Director of the Holy See Press Office, Matteo Bruni]. Vatican Press (sa wikang Italyano). 21 Abril 2025. Nakuha noong 21 Abril 2025.
- ↑ "Pope Francis has died, Vatican says in video statement" [Namatay na si Papa Francisco, ayon sa [inilabas na] bidyo ng Vatican]. Reuters (sa wikang Ingles). 21 Abril 2025. Nakuha noong 21 Abril 2025.
- ↑ Giuffrida, Angela (22 Marso 2025). "Pope Francis to be discharged from hospital and convalesce at Vatican" [Lalabas na sa ospital si Papa Franciso at mananatili sa Vatican]. The Observer (sa wikang Ingles). ISSN 0029-7712. Nakuha noong 21 Abril 2025.
- ↑ "Pope Francis returns to Vatican after 5-week hospital stay for life-threatening double pneumonia" [Bumalik si Papa Francisco sa Vatican matapos ng limang linggong pananatili sa ospital dulot ng nakakamatay na dobleng pulmonya]. PBS News (sa wikang Ingles). 23 Marso 2025. Nakuha noong 21 Abril 2025.
- ↑ Povoledo, Elisabetta (22 February 2025). "Pope Francis in Critical Condition After 'Respiratory Crisis,' Vatican Says". New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 February 2025.