![]() Kaharian Ng Español Sa Pilipinas Ang Unang Sandaan Taon, 1600 - 1696
NAANGKIN ng Español
Isa sa pinaka-mapusok na salakay ang ginanap nila nuong Octobre 16, 1600, nang 2 barko ng mga Dutch, pinamunuan ni Oliver van Noordt, ang lumusob sa Pilipinas. Humimpil muna sila sa tabi ng Albay at bumili ng bigas at iba pang pagkain. Umabot sa Manila ang balita pagkaraan ng 3 araw. Pinasugod ni Governador Tello ang 70 sundalong Español, pinamunuan ni Pedro de Arceo. Umurong ang mga Dutch sa pulo ng Capul nuong Octobre 24, 1600. Sinalakay at sinunog nila ang isang baranggay duon dahil binihag ng mga tagaruon si John Calleway, isang taga-England na tauhan ni Van Noordt. Tumuloy ang mga Dutch sa tabi ng Mariveles (bahagi ng Bataan ngayon) at dinambong ang 3 barkong pumasok sa lawa (bay) ng Manila - ang Buen Jesus, munting barko (frigata) ng Español na pinalubog nila, isang barko ng Hapon na ninakawan nila ng arina (harina, flour), at isang sampan ng Intsik.
|
|
Si Antonio de Morga, auditor ng Audiencia Real sa Manila ang namuno sa 2 barkong lumunsad nuong Deciembre 12, 1600, sakay ang mahigit 600 sundalong Español. Pagkaraan ng 2 araw, nuong Deciembre 14, 1600, sinagupa nila ang mga Dutch sa Azebu, 25 kilometro mula sa Mariveles. Higit na mahusay sa digmaang dagat ang mga Dutch. Ilang ulit nilang pinaputukan ng mga kanyon (cañones, cannon) ang barko ni De Morga, ang San Diego, na nabutas at nagsimulang lumubog.
Samantala, sa dagat tumama ang mga kanyon ng Español. Dinaig sa dami, 450 ang mga Español sa San Diego habang walang pang 100 ang mga Dutch sa barko ni Van Noordt, ang Mauritius. Binangga ng San Diego ang Mauritius. Sumampa ang mga Español sa barko ng mga Dutch at nakipag-bakbakan kina Van Noordt. Tumakas ang pang-2 barko ng mga Dutch, ang Eendracht. Hinabol ito ng pang-2 barko ng mga Español, ang San Bartolome, pinamunuan ni Joan de Alzaga, admiral sa hukbong dagat (navy) at mahusay sa digmaan. Inabutan at tinalo nina Alzaga ang mga Dutch. Sinindihan ng mga Dutch ang sariling barko upang hindi pakinabangan ng kaaway, subalit napatay ng mga Español ang apoy at binihag ang Eendracht. |
Pagbalik sa Manila, binitay sa garrote ang 13 sa 19 Dutch na sumuko kay Alzaga. Ang iba, mga bata pa, ay ibinigay sa mga monasterio.
Pagkaraan ng 6 oras na bakbakan sa barko ni Van Noordt, napipilan ang mga Dutch at sinimulan nilang sunugin ang sariling barko. Nasindak ang mga Español dahil lumulubog na ang kanilang barko, ang San Diego. Walang alam sa digmaan, pinatakas ni Morga ang mga Español upang iligtas ang mga sarili, sa halip na sugpuin ang sunog at sakupin ang barko ni Van Noordt. Nagtalunan silang lahat sa dagat. Lumubog ang San Diego at nalunod ang karamihan ng mga Español. Lumangoy nang 4 oras si Morga pagkalubog ng San Diego at nakarating sa pulo ng Fortun, malapit sa Batangas. Pagbalik sa Manila, ipinadakip niya si Alzaga dahil hindi sinaklolohan ang San Diego subalit hindi nagtagal, pinakawalan din ang admiral. Samantala, tumakas sina Van Noordt, matapos patayin ang sunog sa Eendracht. Nakauwi pa sina Van Noordt sa Netherland kahit laspag at karag-karag na ang kanilang barko. ( Nasa Mga Sabak Ng Dutch ang iba pang pagsalakay sa Pilipinas. ) |
![]() |
|
MGA ARSOBISPO NG PILIPINAS, 1603 - 1706 |
|
Vacante, walang arsobispo, 1598 - 1603. |
|
![]() Tumulong siya sa pagtatayo ng hospital para sa mga Intsik sa Manila bago nahirang na pinuno |
ng kanyang lipunan (order). Isinama siya ni Arsobispo Salazar sa España. Nang namatay ito nuong 1594, si Benavides ang nagpatuloy ng panawagan kay Haring Felipe 2 upang ipagtanggol ang mga tagapulo ng Pilipinas.
Nahirang siya bilang unang obispo ng Nueva Segovia sa Cagayan (pagtagal, inilipat sa Ilocos) at itinanghal (consecrated) sa Mexico nuong 1597 bago nagbalik sa Manila nuong 1598. Dumating siya sa Nueva Segovia nuong 1599 ngunit pagkaraan lamang ng 2 taon, nahirang siyang arsobispo ng Manila nuong 1601. Nagbalik siya sa Manila nuong 1603. Si Felipe 2 ang nagtustos sa kanyang pagtanghal bilang arsobispo sapagkat lubusang dukha si Benavides. Nuong Septiembre 9, 1603, inilaan niya sa mga frayleng Franciscan ang pamamahala sa mga Hapon sa Pilipinas. Nuong taon ding iyon, kasapakat siya sa pagpaslang sa libu-libong Intsik na nag-aklas sa Manila. Namatay siya nuong Julio 26, 1605, at inilibing sa simbahan ng Dominican sa Intramuros. Pamana ang iniwan niyang salapi upang itatag ang isang colegio ng mga Dominican, ang naging Universidad de Santo Tomas. |
Vacante, walang arsobispo, 1605 - 1610. |
|
4. Diego Vazquez de Mercado, 1610 - 1616. Secular na pari, hindi frayle. Taga-Arevalo sa Castilla la Vieja, at kamag-anak ng mga Ronquillo, ang 2 ay naging governador ng Pilipinas. Nagtapos siya sa Universidad de Mexico at nagpari. Kasama siya ni Salazar patungo sa Pilipinas at siya ang naging abogado nito, at 16 taon na naging pinuno (dean) ng cathedral sa Intramuros.
Nuong 1597, nagbalik siya sa Mexico upang maging cura sa Acapulco, kung saan siya nag-doctor ng batasang catholico (canon law) sa Universidad de Mexico. Nagbitiw siya bilang puno ng cathedral sa |
Intramuros kay Ignacio Santibañez nuong naghihintay ito sa Mexico bago maging arsobispo sa Manila (1595-1598).
Naging obispo siya ng Mechoacan, sa Mexico, nuong 1600, at 3 taon naging obispo ng Yucatan, sa Mexico din, mula nuong Octobre 22, 1603. Nahirang siyang arsobispo ng Manila nuong 1608 ngunit 1610 na nang nakarating siya sa Manila. Siya ang nagpatapos sa pagtayo ng cathedral sa Intramuros, gamit ang sariling salapi at mga abuloy ng mga taga-Manila. Namatay siya nuong Junio 12, 1616, at inilibing sa capilla na ipinagawa niya sa luob ng cathedral upang maging libingan niya. |
Vacante, walang arsobispo, 1616 - 1619. Pansamantalang arsobispo nang mahigit 4 taon si Pedro de Arce, frayleng Augustinian, ayon sa utos ni Pope Paul 5 na inihatid ng Audiencia Real sa pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo). | |
5. Miguel Garcia Serrano, 1619 - 1629. Frayleng Augustinian. Taga-Madrid o Chincilla, maaga siyang nakarating sa Pilipinas at naging prior ng Manila at pinuno ng kanyang lipunan bago nahalal na pinunong Augustinian (procurator) sa España. Nahirang siyang obispo ng Nueva Segovia, sa Cagayan, itinanghal sa Mexico at nag-obispo simula nuong 1616. Pagkaraan ng mahigit 2 taon, nahirang siyang arsobispo ng Manila at sa sumunod na taon nagsimulang manungkulan nuong Agosto 1, 1619.
Tinulungan niyang maigi ang mga unang dumating na mongha (monja, nuns) |
ni Santa Clara. Pinilit niyang ipailalim ang mga frayle (visitacion episcopal) ngunit masigla siyang kinalaban ng mga ito hanggang umabot ang bakbakan sa hari ng España at sa Pope sa Rome. Nanakaw nuong 1628 ang ostiya (hostia, holy eucharist) na pang-comunion sa cathedral sa Intramuros at, dala ng dalamhati dito, namatay si Serrano nuong Junio 14, 1629 sa 60 taon gulang.
( Ilang ulit nanakaw ang ostiya, minsan sa Camarines, minsan sa Malate at, nuong 1730, mula sa convento ng mga Franciscan, at mula sa simbahan ng Meycauayan.) |
Vacante, walang arsobispo, 1629 - 1635.
Inangkin ni Hernando Guerrero, frayleng Augustinian at obispo ng Nueva Segovia, ang karapatang maging pansamantalang arsobispo dahil binitiwan na raw ni Pedro de Arce, frayleng Augustinian din at dating pansamantalang arsobispo nuong 1616 - 1619, ang karapatang iginawad sa |
kanya ni Pope Paul 5. Nakipag-agawan ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) at umabot sa hukuman ang bakbakan. Hatol ng Audiencia Real nuong Enero 29, 1630, na si Arce ang karapat-dapat na pansamantalang arsobispo. Bagaman at nagpatuloy ang hablahan, nanungkulan si Arce nang mahigit 6 taon. |
6. Hernando Guerrero, 1635 - 1641. Frayleng Augustinian, matimtiman at mainit ang ulo, ayaw makipag-bigayan (compromise). Taga-Alcaraz o Madrid, kung saan siya nag-frayle. Pagkarating sa Pilipinas, maraming tungkulin siyang hinawakan bago nahirang na pinuno (procurator) ng mga Augustinian sa España ngunit, pagdaan sa Mexico, natagpuan niya ang paghirang ng hari ng pagiging obispo niya sa Nueva Segovia, sa Cagayan. Napatunayan niyang talagang utos mula sa España, at nagbalik sa Pilipinas nuong 1627 at naging obispo nuong 1628.
Nakipag-agawan siya sa pagiging pansamantalang arsobispo matapos mamatay si Serrano nuong 1641 ngunit nabigo. Sa wakas, nahirang din siya nuong Enero 16, 1632 at nuong Junio 23, 1635, naging arsobispo ng |
Manila. Marami siyang nakalaban - si Hurtado de Corcuera na governador sa Pilipinas, ang Audiencia Real, at ang mga frayleng Jesuit at Dominican. Ipinatapon pa siya ng governador minsan sa Mariveles nang kulang-kulang isang buwan.
Nuong Enero 6, 1636, lamang siya nakabalik mula Mariveles. Mahilig siyang mag-visitacion upang pamahalaan ang mga frayle, muntik na siyang madukot (kidnap) nuong minsan ng mga Camucones, ang mga moro (muslims) mula sa banda ng Tawi-Tawi at Borneo na panay nuong nandarambong ng mabibihag at maaaliping catholico. Sa gulang ng 75 taon, namatay si Guerrero nuong Julio 1, 1641, at inilibing sa simbahang Augustinian sa Intramuros. |
Ito ang pinagmulan ng labanan ni Guerrero at Corcuera:
Napaibig si Francisco de Nava, isang sundalong Español sa Manila, sa kanyang bata at magandang aliping Pilipina subalit ipinakuha ni Arsobispo Guerrero ang babae at ibinigay kay Doña Maria de Francia upang ipagbili sa iba upang maalis kay Nava ang tuksong magkasala. Halos baliw, tumakbo ang sundalo sa bahay ng doña at hiningi ang alipin na, pangako niya, nais niyang maging asawa. Naging marahas ang usapan at napilitan ang doña na ipagulpi ang sundalo upang mapa-alis. Tapos, binili at inangkin ng doña ang aliping babae. Hindi nasawata si Nava at nag-abang. Isang araw, hinarap niya ang aliping babae nang lumabas ito kasama ng Doña Francia sa carruaje (carriage) ng doña ngunit sinagot siya ng pabaling ng babae. Sukdulang naulol na, sinasak at pinatay ni Nava ang babae sa gitna ng lansangan, sa harap ni Doña Francia at maraming pang ibang tao. Tumakas ang sundalo sa simbahan ng Augustinian at humingi ng sanctuario. |
Iginawad ni Arsobispo Guerrero ngunit nang narining ni Governador Corcuera ang nangyari, ipinadakip niya si Nava sa kanyang pamangkin, si Pedro de Corcuera na isang pinuno sa hukbong Español sa Manila.
Pinaligiran ng mga sundalo ang simbahang San Agustin at hinalughog kahit umangal ang tagapamahala, si Pedro Monroy, hanggang natagpuan si Nava na nagtatago pala sa sacristia. Sa puot ni Arsobispo Guerrero, naghayag siya ng interdiccion (pagbawal na bigyan ng alin mang sacramento) laban kay Governador Corcuera subalit hindi siya pinansin nito.
Ipinalitis ng governador si Nava at ipinabitay sa harap mismo ng simbahang San Agustin. Pagkatapos, sumulat si Corcuera sa arsobispo upang ipa-alis ang interdiccion dahil malapit na ang Pasko. Naghiganti rin ang governador kay Pedro Monroy, inutusang lumipat sa ligaw na pulo ng Hermosa (Formosa, tinatawag ngayong Taiwan) . Bagaman at inalis ni Arsobispo Guerrero ang interdiccion, hindi niya sinagot ang liham ng governador, at nagpatuloy ang labanan nilang dalawa hanggang namatay si Guerrero nuon 1641. |
Vacante, walang arsobispo nuong 1641-1645. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon dahil tinanggihan ni Pedro de Arce ang karapatan niyang mamahala uli bilang pansamantalang arsobispo. | |
7. Fernando Montero de Espinosa, hindi nakapag-tungkulin. Secular na pari, hindi frayle, mula Burgos sa España. Nag-pari siya at nag-doctor ng pagsamba sa Universidad de Salamanca at maraming naging tungkulin, pati na ang pagiging pari sa capilla real sa palacio ni Felipe 4, hari ng España. Bantog mag-sermon, pinamahalaan niya ang hospital sa labas ng Toledo bago nahirang na obispo ng Nueva Segovia nuong 1642. Itinanghal siya sa Mexico nuong 1643 at patungo na sa Cagayan nang tanggapin ang | paghirang sa kanya bilang arsobispo ng Manila nuong Mayo 20, 1644. Naglayag siya mula Acapulco nuong Marso 1645 at nakarating sa Pilipinas nuong katapusan ng Julio 1645. Paluwas sa Manila, nilagnat siya at namatay sa Pila, sa tabi ng Laguna de Bay sa 45 taon gulang. Luksa sa halip na pagtanghal ang dating niya sa Manila upang ilibing sa tabi ni Benavides. Pagkaraan ng panahon, ipinalipat ni Arsobispo Miguel de Poblete ang kabaong niya sa kahiwalay na libingan ng mga hindi-frayle. |
Vacante, walang arsobispo nuong 1645-1653.
Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon. Pinairal ang utos ng hari ng España na gawing santo pintakasi (patron) ng Pilipinas si Arcangel San Miguel (Saint Michael the Archangel). Nagbakbakan ang mga kasapi sa cabildo dahil sa kasunduan na halinlinan sila-sila nang ilang buwan sa pamamahala. Nilabag ito ng puno |
(dean) at, kasapakat si Eustacio de Venegas, ang alalay ni Governador Diego Fajardo, pinilit ang paghalal ng isang vicar general na naging pansamantalang arsobispo.
Nuon nag-away ng mga frayleng Jesuit at mga frayleng Dominican ukol sa pamumuno sa mga colegio. Natigatig din ang mga frayleng Franciscan. |
8. Dr. Miguel de Poblete, 1653 - 1667. Secular na pari, hindi frayle. Ipinanganak sa Mexico nuong 1603. Naging professor sa universidad, at naluklok sa mga pinaka-mataas na tungkulin sa Mexico. Nagbitiw siya bilang obispo ng Nicaragua nuong 1644, ngunit hinirang na arsobispo ng Manila pagkaraan ng 4 taon, nuong Mayo 1648. Inilihim niya ang kasulatan nang mahigit na isang buwan.
Itinanghal (consecrated ) siya sa palacio ng arsobispo sa Mexico nuong Septiembre 9, 1650. Dumating siya sa Cavite nuong Julio 22, 1653, kasama ni Governador Manrique de Lara na hiniling sa kanya na dumaong muna at pagpalain (bless) ang lupa dahil sa mga suliranin na bumagabag sa dating arsobispo. Julio 24, 1653 siya pumasok sa Manila. Nuong 1654, natanggap niya ang pahatid ni Pope Innocent 10 mula nuong Agosto 7, 1649, na nagbigay ng pagpapala (benediction) at patawad sa lahat ng kasalanan (absolution) sa Pilipinas. Tinangka niyang pamahalaan ang mga frayle sa pamamagitan ng padalaw-dalaw (visitacion episcopal) sa kanilang mga simbahan at mga convento ngunit masigla siyang kinalaban ng mga ito, nagbitiw pa sa kanilang mga tungkulin. Napilitan siyang ibalik ang mga frayle sa kanilang mga paroco dahil walang sapat na secular na pari na |
maipalit sa mga nagbitiw na frayle.
Naka-away din niya si Diego de Salcedo nang naging governador ng Pilipinas. Ayaw kasing magbayad ng pabuya para sa simbahan, ibininbin (suspended) pati ang pamahalaan (cabildo) ng Manila habang naghahanap siya ng 2,000 piso na mauutang pambayad sa mga pinaka-mahalagang gastos ng cabildo. Naka-away din ni Poblete ang governador tungkol sa pagpili ng pinuno ng cabildo, at nanatiling vacante ang katungkulan. Sinimulan ni Poblete nuong Abril 20, 1654, ang pagtayo uli ng cathedral sa Intramuros. Lumigid siya at humingi ng limos mula sa mga taga-Manila at nakapag-ipon ng 22,000 piso pambayad sa paggawa. Namatay siya nuong Deciembre 8, 1667 sa gulang na 64 taon. Sinuway ang kanyang habilin at in-embalsamo ang kanyang bangkay. Ipinalibing siya sa cathedral sa abuloy ng mga taga-Manila nuong Deciembre 11, 1667, at ipinagdiwang ang kanyang alaala nuong Enero 30, 1668. Marami ang dumalo sa kanyang luksa, pati ang governador at iba pang mga naka-away niya nuong buhay pa. |
Vacante, walang arsobispo, 1667-1672. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon. | |
9. Juan Lopez, 1665 - 1674. Frayleng Dominican. Ipinanganak siya sa Martin Munoz sa Castilla la Vieja (ancient Castille) at nag-frayle sa convento ng mga Dominican sa San Esteban de Salamanca. Naglingkod siya sa colegio de San Gregorio sa Valladolid, España. Nagtungo siya sa Pilipinas nuong 1643 upang magpalaganap ng catholico subalit napilitang pumunta sa Mexico nuong 1658 upang magpalakas uli ng katawan.
Pagkaraan ng 1 taon, nahalal siyang isang pinuno (procurator general) ng lipunan ng mga Dominican. Dumaan siya sa France pabalik sa España nuong 1662 bago tumuloy sa Rome. Pinarangalan siya ng pinuno ng mga Dominican (general of the order) ng pagka-dalubhasa sa pag-aral ng pagsamba (master of theology). Sa Rome, natanggap niya nuong Deciembre 1662 ang paghirang sa kanya ni Felipe 4, hari ng España, bilang obispo ng Cebu. Pinagtibay ito ng Pope nuong Abril 23, 1663, at nagtipon si Lopez ng 40 misionarios na sasama sa kanya sa Pilipinas. Padaan sa Mexico, itinanghal (consecrated) siya sa Mechoacan nuong Enero 4, 1665. Dumating siya sa Cebu nuong Agosto 31, 1665. Magaspang at pabugso-bugso, marami siyang naka-away na |
itinawalag (excommunicated) niya mula sa simbahan nang walang sapat na dahilan, kaya napilitang makialam ang Audiencia Real ng Manila. Lumawas siya sa Manila nang 2 ulit, una nuong dinakip si Diego de Salcedo, ang governador ng Pilipinas, ng tagapag-usig ng mga ayaw sumunod sa catholico (holy inquisition). Lumuwas siya uli sa Manila nang ipatawag ng governador pagkamatay ni Arsobispo Poblete. Pinakiusapan siyang maging pansamantalang arsobispo ng Manila nuong 1671 at nanungkulan siya simula nuong Agosto 21, 1672.
Nakipag-away siya uli sa mga pinuno ng simbahan, pati sa governador na tumangging ibigay ang pabuya (stipends) sa simbahan. Nanawagan si Lopez sa hari at pinahintulutang sa Mexico padaanin ang kanyang pabuya upang maiwasan ang pag-ipit uli ng governador ngunit huli na nang dumating ang pahintulot. Nilagnat siya nang 5 buwan at namatay nuong Febrero 12, 1674, sa gulang na 61 taon. Ang puso at bituka niya ay ibinaon sa hiwalay na libingan ng mga hindi-frayle (curas) at inilibing ang kanyang bangkay sa simbahan ng Dominican sa Intramuros. Walang obispo sa Pilipinas nuon dahil nauna pa sa kanya namatay lahat. Ipinagdiwang ang kanyang alaala nuong Marso 1, 1674. |
Vacante, walang arsobispo nuong 1674-1681. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon. | |
10. Felipe Pardo, 1681 - 1689. Frayleng Dominican. Anak maharlika mula Valladolid, sa España, nag-frayle siya sa convento de San Pablo duon. Nagtungo siya sa Pilipinas nuong 1648 upang magpalawak ng catholico at naging pinuno (rector) ng Universidad de Santo Tomas sa Manila. Marami siyang naging tungkulin at 2 ulit naging pinuno (provincial) ng kanyang Lipunan, natapos nuong 1665 at nuong 1677. Kasapi siya 2 ulit din sa Inquisition, ang pag-usig sa mga ayaw sumunod sa catholico.
Hinirang siya ng hari ng España nuong Mayo 30, 1676, at sa 68 taon gulang, naging arsobispo ng Manila nuong Noviembre 11, 1677, bagaman at nuong Noviembre 1, 1681, lamang naging official dahil natagalan ang mga kasulatan. Siya ang arsobispo sa Manila nang dumating ang ng unang governador ng kapuluan ng Mariana (Marianas Islands, kabilang ang Guam, sa dagat Pacific). Tinanggap din niya ang dalaw ni Gines de Barrientos, frayleng Dominican din, at obispo ng Troya. Marahas, matigas ang ulo at magpaghiganti, pinaglalangan niya ang lahat upang mapagbuti ang kanyang mga kapwa Dominican. Inalisan niya ng ilang teritorio ang mga frayleng Recollect at ibinigay sa mga kapwa niyang frayleng Dominican. Bilang kapalit, inilaan niya ang ligaw na pulo ng Mindoro para sa mga Recollect. Inutos niya sa lahat ng Español na ibigay |
ang mga bayad sa simbahan sa kani-kanilang paroco sa halip ng sa paroco ng Bagumbayan. Dahil halos lahat ng Español nuon ay nakatira sa
Binondo na paroco ng mga Dominican, nakalamang uli ang mga frayleng Dominican.
Inilit niya ang mga ari-arian ng mga frayleng Jesuit sa galleon Santa Rosa na dumating mula Acapulco, Mexico, upang hindi madaig ng colegio de San Jose ng mga Jesuit ang colegio de Santo Tomas (naging universidad paglaon) ng mga Dominican. Naka-away ni Pardo ang iba pang lipunan ng mga frayle, pati ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo). Sa hangad niyang mangibabaw ang kapangyarihan ng arsobispo sa pamahalaan ng Manila, kahit na sa mga asunto ng pamana at pamamahala sa mga tao, naka-away niya ang Audiencia Real, pati ang governador ng Pilipinas nuon, si Juan de Vargas Hurtado, at ipinatapon siya nito sa Lingayen, Pangasinan, nuong Marso 31, 1683. Palihim niyang kinasundo si Obispo Barrientos na namahala sa Manila habang nakatapon siya. Ibinalik siya sa Manila ng sumunod na governador, si Gabriel de Curuzealegui, at naghiganti siya kay Vargas at sa mga iba pa niyang naka-away. Namatay siya nuong Deciembre 31, 1689, nang 80 taong gulang na. Inilibing siya sa simbahan ng mga Dominican sa Intramuros. |
Vacante, walang arsobispo nuong 1689-1697. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala bago inilaan kay Gines de Barrientos, obispo ng Troya nuon. Hindi nagtagal, pinilit si Barrientos na magbitiw, at ang pamahalaang simbahan ang namahala uli. Labis-labis kasi si Barrientos, tumalilis pa ang 2 kasapi sa cabildo sa convento ng mga Augustinian upang hindi maipadakip ni Barrientos. Humingi ng tulong ang mga takas sa governador ng Pilipinas laban kay Barrientos. | |
11. Dr. Diego Camacho y Avila, 1697 - 1706. Secular na pari, hindi frayle. Taga-Badajoz at isang pinuno siya sa simbahan duon nang mahirang na arsobispo ng Manila nuong Agosto 19, 1696, at itinanghal siya sa La Puebla, sa Mexico, bago siya nagtungkulin sa Manila nuong Septiembre 13, 1697. Tinanggap niya ang sugo ng Pope (papal legate), si Tournon, at napahamak sa mga pinuno sa Madrid dahil dito.
Nakalaban din niya lahat ng frayle sa Pilipinas dahil ipinilit niya ang visitacion episcopal upang pamahalaan ang mga frayle. Tinangka rin niyang iluklok ang mga secular na pari sa mga paroco ngunit nabigo dahil kulang |
ang mga pari nuon, at inangkin ng mga frayle ang mga vacanteng simbahan. Pinagbuti niya ang cathedral sa Intramuros, gumastos ng mahigit 40,000 piso. Itinatag din niya ang seminario de San Clemente na tumanggap ng mga hindi-Español na nais mag-pari.
Dahil sa maraming away at sumbong laban sa kanya, ipinalipat siya ng hari ng España sa Mexico at hinirang na obispo sa Guadalajara nuong Marso 14, 1706. Namatay siya nuong 1712 at, ayon sa kanyang huling habilin, ipinag-misa siya ni Diego de Gorospe Ysla, obispo ng Nueva Segovia sa Ilocos, sa cathedral sa Intramuros nuong Octobre 23, 1713. |
MGA GOVERNADOR GENERAL NG PILIPINAS, 1596 - 1701
|
|
10. Francisco Tello de Guzman, Julio 14, 1596 - Mayo 1602. Taga-Sevilla at magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James), naging ingat-yaman (treasurer) siya ng himpilan ng kalakal ng mga sakop ng España sa America at Asia (India House of Trade) bago nahirang na governador ng Pilipinas at pangulo ng Audiencia Real na inutos ng hari nuong Noviembre 26, 1595, na itatag niya uli sa Manila.
Dumating si Tello sa Manila nuong Julio 15, 1596, ngunit Mayo 8, 1598 na nang nabuo niya uli ang Audiencia. Kabilang sa mga nangyari nuong governador siya ang pagpatay (martyrdom) sa mga frayleng Franciscan sa Japan nuong Febrero 5, 1597; pagdating ng unang arsobispo ng |
Pilipinas, si Ignacio Santibañez, nuong Mayo 1598, at ng mga unang obispo ng Cebu, Nueva Caceres at Nueva Segovia nuong 1598 hanggang 1600. Nuong 1599 hanggang 1600, lumusob at nagligalig ang mga moro (muslims) sa mga pulong sakop ng Español. Natatag ang seminario de San Jose nuong 1601.
Sinagupa sa Manila Bay ng pangkat-dagat ng Español, pinamunuan ni Antonio de Morga, ang mga mandarambong (pirates) na Dutch mula sa Netherlands, pinamunuan ni Oliver van Noordt, nuong Deciembre 14, 1600. Namatay si Tello sa Manila nuong Abril 1603. |
11. Pedro Bravo de Acuña, Mayo 1602 - Junio 24, 1606. Magiting ng Lipunan ni San Juan (knight of the Order of Saint John), nahirang siyang governador ng Cartagena (sa Columbia, sa South America ngayon) nuong 1593. Nuong Enero 16, 1600 nahirang siyang governador ng Pilipinas. Tinanggap niya ang mga kasulatan nuong Febrero 16, 1602 at dumating siya sa Manila nuong Mayo 1602. Nasunog uli ang Manila nuong Abril 30, 1603. | Madaling sumunod ang unang aklasan ng mga Intsik sa Manila nuong taon din iyon. Libu-libong Intsik ang pinaslang ng mga katutubo. Pinamunuan niya ang paglusob sa Maluku (Moluccas, spice islands) nuong Enero 15 hanggang Mayo 31, 1606. Ang Audiencia Real ang namahala sa Manila nuong wala siya. Nag-aklas ang mga Hapon sa Manila nuong 1606. Walang isang buwan pagkabalik mula Maluku, nuong Junio 24, 1606, namatay si Acuña. |
12. Cristobal Tellez de Almanza, Junio 24, 1606 - Junio 15, 1608. Isa sa Audiencia Real, pinamunuan niya ang hukbong Español sa Pilipinas habang ang buong Audiencia ang namahala sa kapuluan. Dumating ang mga unang frayleng Recollect nuong 1606. Nag-aklas uli ang mga Hapon nuong 1607. | |
13. Rodrigo de Vivero, Junio 15, 1608 - Abril 1609. Taga-Laredo, naging tagasundo (page) siya ng Regina ng España nuong bata pa. Pinuno siya sa Nueva España (Mexico ang tawag ngayon) nang mahirang ng haring España na pansamantalang governador ng Pilipinas nuong Julio 7, 1607. | Dumating siya sa Manila nuong Junio 15, 1608. Naglabas siya ng mga utos sa mga alcaldes mejores, ang mga pinuno o governador ng mga lalawigan. Pagkaraan ng panahon, nahirang siyang Conde ng Valle at presidente ng Audiencia Real sa Panama, sa Central America. |
14. Juan de Silva, Abril 1609 - Abril 19, 1616. Taga-Trujillo, España, at magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James) nang mahirang na governador ng Pilipinas. Kasama niyang dumating sa Manila nuong 1609 ang 5 pangkat ng sundalong Español at tinalo niya ang lumusob na sandatahang dagat ng mga Dutch ng Netherlands, pinamunuan ni Francois de Wittert, malapit sa Manila nuong Abril 25, 1610. Nabihag ang 2 barko at 120 sundalong Dutch, napatay si Wittert at mga pinuno | ng sandatahan. Pagkaraan ng mahigit 1 buwan, dumating ang ika-4 arsobispo ng Manila, si Diego Vazquez de Mercado, nuong Junio 4, 1610. Nuong sumunod na taon, 1611, sinalakay ni Silva ang mga Dutch sa Maluku (Moluccas, spice islands, bahagi ngayon ng Indonesia) ngunit walang nangyari. Nuong Febrero 4, 1616, iniwan niya sa Audiencia Real ang pamahalaan ng Pilipinas at, kakampi na ang mga Portuguese, lumusob uli sa mga Dutch hanggang namatay siya nuong Abril 19. |
15. Andres Alcaraz, Abril 19, 1616 - Junio 8, 1618. Dapat sana, si Jeronimo de Silva, tio ng kamamatay na governador, si Juan de Silva, ang pumalit na pansamantalang governador ngunit kasamang lumusob sa Maluku (Moluccas, spice islands) si Jeronimo kaya si Alcaraz, ang iniwang tagapamahala ni Juan de Silva, ang namuno sa gawaing militar sa Pilipinas habang nagpatuloy ng pamamahala ang Audiencia Real sa kapuluan. Bumalik ang hukbong Español mula Maluku nuong Junio 1, 1616, ngunit ang sandatahang dagat naman ng mga Dutch, |
pinamunuan ni Jorge Spielberg (Jorg van Spielbergen), ang lumusob at pinagka-kanyon ang Iloilo sa pulo ng Panay nuong Septiembre 29, 1616, at nagpaligid-ligid sa Bicol. Lumunsad ang pangkat ng Español, pinamunuan ni Juan Ronquillo, at tinalo ang mga Dutch sa 2 araw na bakbakan nuong Abril 13 - 14, 1617, sa La Playa Honda, sa tabi ng Zambales.
Bumalik mula Maluku si Jeronimo de Silva nuong Septiembre 30, 1617, at hinalinhinan si Alcaraz bilang pinunong militar ng Pilipinas. |
16. Alonso Fajardo y Tenza, Julio 3, 1618 - Julio 1624. Taga-Murcia at magiting ng Lipunan ng Alcantara (knight of the Order of Alcantara), panginuon (seigneur, señor, lord) siya ng Espinardo nang nahirang na governador ng Pilipinas. Dumating siya sa Cavite nuong Julio 2, 1618, at | pumasok sa Manila kinabukasan. Natatag ang convento ng Santa Clara nuong Agosto - Noviembre 1, 1621. Nuong taon din iyon, pinatay niya ang asawa niya dahil sumiping ito sa ibang lalaki. Sinupil niya ang aklasan ng mga Visaya nuong 1623. Namatay siya sa dalamhati nuong Julio 1624. |
17. Jeronimo de Silva, Jul 1624 - Junio 1625. Ang Audiencia Real ang namahala uli habang si Silva ang naging pinunong militar ng Pilipinas. Lumusob uli ang pangkat dagat ng mga Dutch at sinagupa sila ng mga Español, pinamunuan ni Silva, malapit sa La Playa Honda at tumakas ang mga Dutch. Pagkatapos, ipinapiit si Silva ng Audiencia Real dahil hindi niya hinabol ang mga tumakas na Dutch. | |
18. Fernando de Silva, Junio 1625 - Junio 29, 1626. Taga-Rodrigo, lungsod sa España, at magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James), dating sugo (ambassador) siya ng España sa Persia (Iraq ngayon) nang nahirang na pansamantalang governador ng Pilipinas ng Pang-2 ng hari (virrey, viceroy) sa Mexico. Nanungkulan siya sa Manila ng 1 taon lamang. | |
19. Juan Niño de Tabora, Junio 29, 1626 - Julio 22, 1632. Taga-Galicia, España, at magiting ng Lipunan ng Calatrava nang mahirang na governador ng Pilipinas. Siya ang nagpatayo ng tulay sa ilog Pasig at pinatibay niya ang tanggulan ng Manila. Naglunsad siya ng pangkat sandatahan laban sa mga moro (muslims) nuong 1627 hanggang 1630. Namatay siya nuong Julio 22, 1632. | |
20. Lorenzo de Olaza (Olaso), Julio 22, 1632 - 1633. Siya ang namahala sa hukbong Español sa Pilipinas, sa atas ng Pang-2 ng hari (virrey, viceroy) sa Mexico, samantalang ang Audiencia Real ang humawak sa pamahalaan ng Pilipinas. | |
21. Juan Cerezo de Salamanca, 1633 - Junio 25, 1635. Hinirang siyang pansamantalang governador ng Pilipinas ng Pang-2 ng hari (virrey, viceroy) sa Mexico. Ipinagpatuloy niya ang paglusob ng mga Español laban sa mga moro (muslims) nuong 1634 hanggang 1635. | |
22. Sebastian Hurtado de Corcuera, Junio 25, 1635 - Agosto 11, 1644. Taga-bundok sa Burgos, sa España, magiting siya ng Lipunan ng Alcantara (knight of the Order of Alcantara) at dating governador ng Panama, sa Central America. Dumating siya sa Manila nuong Junio 24, 1635, at naging mahigpit na kaaway ng arsobispo ng Manila, si Hernando Guerrero, at ng mga frayle sa Pilipinas.
( Saysay sa itaas, ukol kay Guerrero, ang malaking dahilan ng kanilang away, bagaman at may iba pang hindi naulat na dahilan.) Masugid din niyang inaway ang mga moro (muslims) sa Mindanao nuong 1637 hanggang 1638. Nayanig siya ng aklasan ng mga Intsik mula nuong |
Noviembre 1639 hanggang Marso 1640. Siya ang governador nuong Agosto 24, 1642, nang sakupin ng mga Dutch mula Netherland ang Formosa (Taiwan ang tawag ngayon) at patalsikin ang mga Español mula duon. Nuon din, naglabas siya ng mga utos at batas sa ikabu-buti ng pamahalaan.
Dahil sa mga sumbong ni Arsobispo Guerrero at iba pang mga frayle, ipinadakip siya ng sumunod na governador, si Diego Fajardo, at ipiniit nang 5 taon, ngunit pinawalan siya ng hari ng España at hinirang nuong 1659 na governador ng kapuluan ng Canaria (Canary Islands, sa dagat Atlantic malapit sa Morocco). Duon siya namatay, sa lungsod ng Tenerife, nuong Agosto 12, 1660. |
23. Diego Fajardo, Agosto 11, 1644 - Julio 25, 1653. Isa siyang magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James), mahina sa politica kayat naging sunud-sunuran na lamang sa payo ng kalihim (secretary) niya, si Eustacio de Venegas, hanggang nuong Septiembre 15, 1651. Ang husay niya ay militar. Pinatibay niya ang tanggulan ng Intramuros at tinalo niya ang mga sandatahang dagat (naval fleets) ng sunud-sunod na lusob ng mga Dutch mula Netherlands at Maluku:
|
|
24. Sabiniano Manrique de Lara, Julio 25, 1653 - Septiembre 8, 1663. Taga-Malaga at magiting ng lipunan ng Calatrava (knight of the Order of Calatrava), dumating siya sa Cavite nuong Julio 22, 1653, at hinalinhinan si Fajardo pagkaraan ng 3 araw. Lumindol sa Manila nuong Agosto 20, 1658. Nag-aklas ang mga tao sa Pilipinas nuong 1660 hanggang 1661. Pati ang mga Intsik ay naghimagsik nuong 1662. |
( Naka-ulat ang mga aklasan sa Si Francisco Maniago sa Pampanga at sa Si Andres Malong sa Pangasinan. Saysay naman ang mga Intsik sa Muntik Nang Himagsikan.)
Hindi niya naka-away ang mga frayle, at humupa nang kaunti ang paglusob ng mga moro (muslims) sa mga sakop ng mga Español. Pagkatapos ng pagka-governador, nagbalik si Lara sa Malaga at nag-pari. |
25. Diego de Salcedo, Septiembre 8, 1663 - Septiembre 28, 1668. Taga-Brussels, pangunahing lungsod sa Belgium, na sakop nuon ng kaharian ng España. Isang pinuno sa hukbong Español, hinirang siya ng hari ng España na governador ng Pilipinas nuong Deciembre 2, 1661. Dumating siya sa Manila nuong Septiembre 8, 1663, matapos tahakin ang haba ng Luzon mula Cagayan. Naka-away niya ang mga frayle at ang arsobispo ng | Manila nuon, si Miguel de Poblete, at ipinadakip siya ng mga ito nuong Septiembre 28, 1668, sa tagapag-usig ng mga ayaw sumunod sa catholico (Holy Inquisition). Bihag siya nang ipabalik sa Mexico nuong sumunod na taon upang litisan at hatulan, subalit namatay siya sa gitna ng dagat. Pagkaraan ng panahon, pinawalang sala siya ng Holy Inquisition ng Mexico. ( Nasa Kauna-unahang Kudeyta sa Pilipinas ang buong kasaysayan.) |
26. Juan Manuel dela Peña Bonifaz, Septiembre 28, 1668 - Septiembre 24, 1669. Mababang kasapi lamang ng Audiencia Real sa Manila, naging pansamantalang governador siya sa pamamagitan ng linlang (trickery). Pagkaraan ng 1 taon, nabuko siya at napilitang tumakas at nagtago sa convento ng mga Recollect. | |
27. Manuel de Leon, Steptiembre 24, 1669 - Abril 11, 1677. Taga-Paredes de Nava, sa España, at isang pinuno sa hukbong Español. Hinirang siya ng hari nuong Junio 24, 1668 at namahala sa Manila mula nuong Septiembre 24, 1669. Naka-away niya ang arsobispo ng Manila, si Juan Lopez, nuong 1673. Namatay siya nuong Abril 11, 1677. | |
28. Francisco Coloma. Abril 11, 1677 - Septiembre 21, 1677. Ang Audiencia Real ang namahala sa Pilipinas habang si Coloma ang namuno sa sandatahang Español sa Pilipinas. Namatay siya nuong Septiembre 21, 1677. | |
29. Francisco Sotomayor y Mansilla, Septiembre 25, 1677 - Septiembre 21, 1678. Siya ang pumalit na pinuno sa hukbong Español sa Pilipinas pagkamatay ni Coloma. Ang Audiencia Real ang patuloy na namahala sa Pilipinas. | |
30. Juan de Vargas Hurtado, Septiembre 28, 1678 - Agosto 24, 1684. Taga-Toledo at magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James) nang nahirang nuong Junio 18, 1677. Dumating siya sa Manila nuong Septiembre 21, 1678. Ipinatayo nila muli ang colegio de Santa Potenciana, ang convento ng mga babae. Nakalaban niya si Felipe | Pardo, arsobispo ng Manila nuon, at ipinatapon niya ito sa Mariveles, sa Bataan. Dahil dito, itiniwalag siya ni Pardo mula sa simbahan (excommunicated). Pagkatapos ng kanyang panunungkulan, 4 taon siyang siniyasat ng pumalit na governador. Namatay siya sa dagat nuong 1690 habang papunta sa Mexico upang sumagot sa mga paratang sa kanya. |
31. Gabriel de Curuzealegui y Arriola, Agosto 24, 1684 - Abril 1689. Magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James) at isang pinuno ng sandatahang dagat ng España, dumating siya sa Manila nuong Agosto 24, 1684. Ibinalik niya sa Manila si Felipe Pardo, ang | arsobispo ng Manila nuon na ipinatapon sa Mariveles ni uan de Vargas Hurtado, ang dating governador. Inusig at ipinatapon niya ang mga kasapi sa Audiencia Real. Umabot ng 4 taon ang pagsiyasat niya kay Hurtado. Namatay siya nuong Abril 17, 1689 bago natapos ang pagsiyasat. |
32. Alonso de Avila Fuertes, Abril 1689 - Julio 1690. Magiting ng lipunan ng Alcantara (knight of the Order of Alcantara). Ang Audiencia Real ang namahala sa Pilipinas habang si De Avila, isa sa kanila, ang namuno sa sandatahang Español sa Pilipinas. | |
33. Fausto Cruzat y Gongora, Julio 1690 - Deciembre 8, 1701. Magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James), isinilang siya sa Navarra sa kilalang familia mula sa Pamplona, España. Hinirang siya ng hari nuong Enero 15, 1686 at dumating sa Manila nuong | Julio 19, 1690. Naglabas siya ng mga kautusan sa pagbubuti ng pamamahala sa Pilipinas nuong Octobre 1, 1696. Ipinakumpuni niya ang palacio ng governador at nakipagtunggali sa arsobispo at mga frayle sa Manila. |
Nakaraang kabanata Ulitin mula sa itaas Tahanan Ng Mga Kasaysayan Lista Ng Mga Kabanata Susunod na kabanata |